Kay Pacquiao si Marquez
MANILA, Philippines - Sa apat na beses nilang paghaharap ni Manny Pacquiao, kumbinsido si Juan Manuel Marquez na tatalunin ng Filipino world eight-division champion si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24.
Ito ang sinabi ng 40-anyos na si Marquez sa pana-yam ng HustleBoss.com hinggil sa kanyang pagpabor sa 34-anyos na si Pacquiao laban sa 27-anyos na si Rios.
“Maybe Pacquiao will win the fight, because Pacquiao has more experience than Rios,†wika ni Marquez. “Rios is a very strong fighter, but I think Pacquiao will win the fight.â€
Huling nagharap sa ibabaw ng ring sina Pacquiao at Marquez noong Disyembre 8, 2012 kung saan pinatulog ng Mexican ang Filipino boxing superstar sa sixth round.
Haharapin ni Pacquiao 54-5-2 (38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Nakatakda namang hamunin bukas ni Marquez (54-6-1, 40 KOs) si WBO welterweight king Timothy Bradley, Jr. sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Magiging mandatory challenger si Pacquiao kung maaagaw ni Marquez kay Bradley ang hawak nitong WBO welterweight title na dating suot ng Sarangani Congressman.
Inagaw ni Bradley kay Pacquiao ang naturang titulo via split decision noong Hulyo 9, 2012.
- Latest