MANILA, Philippines - Bumangon ang Cagayan Province mula sa first-set loss para resbakan ang Philippine Air Force, 17-25, 30-28, 25-19, 25-9, sa Game One ng kanilang semifinals series sa ShaÂkey’s V-League Season 10 Open Conference kaÂhaÂpon sa The Arena sa San Juan.
Nakamit ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three semis showdown, kailangan lamang ng RiÂsing Suns, na manalo sa Game Two sa Biyernes paÂra makamit ang unang fiÂnals ticket.
Ito ang ika-13 sunod na panalo ng Cagayan sa season-ending confeÂrence.
Nagtumpok sina Kannika Thipachot, Aiza MaiÂzo at Angeli Tabaquero ng pinagsamang 44 hits.
Tumapos ang Thai ace na may 23 points, tampok dito ang 20 kills, habang may 12 attacks si Maizo.
Dahil sa kawalan ng komunikasyon ng Rising Suns, nakuha ng Air Women ang first set sa likod nina Joy Cases, Judy Ann Caballejo, Liza de Ramos at Maika Ortiz.
Nakipagtulungan naman si Thipachot kay Maizo para ibalik sa laro ang Cagayan.
Sinelyuhan ni Maizo ang panalo ng Rising Suns mula sa isang corner spike.
Humataw si Cases ng 17 points para sa panig ng Air Women kasunod ang 12 ni Caballejo at tig-10 hits nina Ortiz at De Ramos.
Sa ikalawang laro, siÂnamantala ng Smart-MayÂnilad ang dalawang errors ng Philippine Army paÂra angkinin ang 28-26, 25-17, 19-25, 29-27 taÂgumpay sa kanilang semis duel.
Napalakas ang kill ni Nerissa Bautista bago nag-over-receive si Jovelyn Gonzaga patungo sa kill ni Alyssa Valdez para sa 1-0 abante ng Net SpiÂkers sa kanilang serye.