MANILA, Philippines - Dumating na ang Indiana Pacers at Houston Rockets.
Ang Pacers na pina-ngunahan ng kanilang presidente na si Larry Bird at ng sumisikat na si Paul George ay maagang dumating sa bansa habang ang Rockets na pinangunahan ni coach Kevin McHale at ng bago nilang star player na si Dwight Howard ay dumating ng hapon para sa kanilang pre-season duel na tinaguriang “NBA Global Games†sa Huwebes sa MOA Arena sa Pasay City.
“After 18 hours of flying.. Manila #PacerNation is in the house,†sabi ni George sa kanyang Twitter account na @Paul_George24.
Ang mga players ay naka-billet sa Sofitel, karamihan sa kanila ay first time lang na nakara-ting ng Pilipinas. Ang ilan ay natuwa sa nakikita nilang view ng Manila Bay mula sa kanilang mga kuwarto.
“The smiles and excitement in people’s eyes when they see us walking around. #priceless,†sabi ni Orlando Johnson, teammate ni George, sa kanyang Twitter na @Pace_O11.
Isa pang Indiana player na si Ian Mahinmi, back-up ni Roy Hibbert sa center position, ay nag-post sa Instagram ng litrato ng view mula sa kanyang kuwarto at may caption na “Philippines baby!â€
Nag-share rin ng litrato si Omri Casspi ng Houston sa kanyang Twitter na @Casspi18 at may caption na “Heartwarming welcome in Manila.â€
Dumating din sa ikalawang pagkakataon ngayong taon dito sa bansa si James Harden ng Houston.
Ang iba pang sikat na Indiana players ay sina Roy Hibbert, David West, George Hill, Danny Granger at Argentinian star Luis Scola.
Nandito na rin sa bansa para sa mga clinics at inspirational talks sina multi-titled Robert Horry, Ron Harper at dating NBA player na si Jalen Rose.