MANILA, Philippines - Sinuspendi si Brooklyn Nets head coach Jason Kidd ng dalawang games matapos mag-plead ng guilty sa pagmamaneho na may impluwensiya ng alcohol, ayon sa pahayag ng NBA.
Inaresto si Kidd noong July 15, 2012 ng madaling araw, ilang araw matapos itong pumirma ng kontrata para maging bagong miyembro ng New York Knicks dahil sa hinihinalang pagmamaneho ng nakainom makaraang bumangga ang kanyang 2010 Cadillac Escalade sa isang poste ng telepono na malapit na sa kanyang bahay sa Long Island, N.Y.
Nauna rito, noong summer, matapos magretiro sa NBA at naging bagong coach ng Nets, nag-plead din siya ng guilty sa misdemeanor drunken driving charge, ngunit nagawa niyang makipagkasundo para mapalitan ang kanyang kaso.
Ang 40-gulang na si Kidd ay inilagay sa interim probation habang hindi pa niya nagagawa ang dala-wang pagbisita sa Suffolk County schools para magturo ukol sa panganib ng pagmamaneho ng lasing.
Matapos magsalita sa mga eskuwelahan, iniulat ng News 12 Long Island na ang kanyang kaso ay pinagaan sa driving while impaired ngunit nananatiling suspendido ang kanyang lisensiya.
Sisimulan ang suspension ni Kidd sa pagbubukas ng regular season na ibig sabihin ay wala siya sa season opener ng Brooklyn sa Oct. 30 na isang road game kontra sa Cleveland Cavaliers at sa nationally televised game ng Nets sa Nov. 1 na kanilang home opener kontra sa defending champion Miami Heat.
Si assistant coach Lawrence Frank ang siya munang magmamando ng team habang wala si Kidd.