Magsisiguro ang San Beda

MANILA, Philippines - Pormal na makukuha ng San Beda ang twice-to-beat advantage sa Final Four kung mananalo sa Mapua sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon at sapat na ang ika-14 panalo para masilo ang mahala-gang insentibo sa susunod na round.

Ang Lions, Letran (12-3) at Perpetual (11-5) ay nakatiyak na ng puwesto sa semifinals ngunit ang Atlas ay puwede na lamang tumapos hanggang 13 panalo kung wawalisin ang huling dalawang laro.

Dinurog ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Cardinals sa first round, 78-53 at asahang magpupursigi pa ang mga alipores nito sa pangunguna nina Olaide Adeogun, Baser Amer, Arthur dela Cruz at Rome dela Rosa para lumawig sa pito ang pagpapanalo sa second round.

Mas mahalaga ang resulta sa second game sa pagkikita ng San Sebastian at Jose Rizal University dakong alas-6 ng gabi.

Ang dalawang koponang ito ay kabilang sa anim na koponang palaban pa sa ikaapat at hu-ling puwesto na aabante sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Ngunit ang Stags ay siyang may pinakamagandang tsansa na masilo ang puwesto dahil okupado nila ito ngayon sa 8-6 baraha.

Pero kailangan nilang pataubin ang Heavy Bombers upang lumayo sa mga katunggali sa pa-ngunguna ng Emilio Agui-naldo College na mayroon ding walong panalo matapos ang 16 na laro.

Sa 6-9 karta, ang Bombers ay may magandang tsansa rin lalo na kung wawalisin nila ang hu-ling tatlong laro.

Galing sa 68-72 pag-yukod ang bataan ni coach Topex Robinson sa San Beda sa huling laro para matapos ang apat na sunod na panalo.

Dapat na maisantabi na ng kanyang mga bataan ang kabiguang ito at ipo-kus ang isipan sa Heavy Bombers na nanalo rin sa Stags sa unang pagkikita, 67-63.

 

Show comments