Kabayong She's Gorgeous nanggulat

MANILA, Philippines - Nakapanggulat ang ka­bayong She’s Gorgeous sa pagdadala ni Jeff Zara­te nang masama sa mga hindi inasahang mananalo sa isinagawang pista sa San­ta Ana Park sa Naic, Ca­vite noong Biyernes ng ga­bi.

Ang Palakpakan na tu­­makbo kasama ang coupled entry na Salinlahi ang agad na humarurot sa pagbukas ng aparato, habang pumangatlo lamang ang She’s Gorgeous.

Patuloy ang matikas na takbo ng nangungu­nang kabayo ngunit nag­papainit na pala ang ka­bayong hawak ni Zarate at pag-aari ni Luis Chuidian.

Sa rekta ay pangalawa na ito pero kapos pa ng dalawang dipa pero patuloy ang pagtulin ng She’s Gorgeous at sa hu­ling 25-metro ay angat na patu­ngo sa kalahating-ka­bayo agwat na panalo.

Ikatlong sunod na takbo na hawak ni Zarate ang kabayo at nahigitan niya ang panlima at pangatlong puwesto na pagtatapos no­­ong nakaraang buwan.

Isang class division 1B sa 1,200-metro gina­wa ang labanan at hindi na­paboran ang kabayo da­hil sa resulta sa hu­ling mga takbo upang ma­kapaghatid ng P47.00 di­bi­dendo at mas maganda pang P71.00 ang ibinigay sa 1-8 forecast.

Kuminang din ang Si Señor na nanalo sa ikat­long su­nod na pagka­kataon sa spe­cial handicap race sa 1,300m.

Kumabig ang mga ka­panalig ng Si Señor ng P11.00 sa win, habang ang pagpangalawa ng de­hadong kabayo ay may P91.00 dibidendo sa 5-3 forecast.  

 

Show comments