Kobe pupunta sa Germany para sa knee treatment

MANILA, Philippines - Magtutungo si Kobe Bryant sa Germany para mu-ling sumailalim sa isang platelet-rich plasma (PRP) therapy sa kanyang kanang tuhod, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Hindi pa naglalaro si Bryant matapos magkaroon ng Achilles tendon injury noong Abril 12.

Sa unang pagkakataon matapos mapunit ang kanyang Achilles tendon, nakita si Bryant sa Lakers’ practice floor at nakisali sa light jogging at shooting noong Miyerkules.

Bumiyahe si Bryant sa Germany para sa kanyang arthritic right knee noong 2011 at hinangaan ang PRP procedure sa pagpapasigla sa kanyang career.

Sumailalim ang 35-anyos na si Bryant sa ilang mag­kakaibang procedures sa kanyang kanang tuhod sa­pul noong 2003 at sinabi ng Lakers na hindi siya makakasama sa kanilang training camp ng ilang araw.

 

Show comments