MANILA, Philippines - Hindi pa alam ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kung maitatakda niya ang pang-limang paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa suÂsunod na taon.
Sa panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni Arum na depende pa ito sa magiging resulta ng mga laban niÂna Pacquiao at Marquez.
Nakatakdang hamunin ni Marquez (54-6-1, 40 KOs) si World BoÂxing Organization (WBO) welterweight champion TimoÂthy Bradley, Jr. (30-0-0, 12 KOs) sa Oktubre 12 sa ThoÂmas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Sasagupain naman ni Pacquiao 54-5-2 (38 KOs) si Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Kung sakali ay magiging mandatory challenger si Pacquiao kung maaagaw ni Marquez kay Bradley ang hawak nitong WBO welterweight title.
Nauna nang sinabi ng 40-anyos na si Marquez na hindi na niya lalabanan si Pacquiao matapos ang kanyang sixth-round KO win noong Disyembre 8, 2012.
At posible ring huling laban na niya si Bradley.
“It’s up to the boy whether he wants to retire or not. That’s a decision that he has to make,†ani Arum sa MeÂxican world four-division titlist na kung magreretiro ay ipupursige ang pagiging accountant.
“Unlike a lot of fighters, Marquez, who has an accounting degree, has been very clever, and I mean that in a good sense, with his money,†ani Arum.