Army tangka ang No. 1
QUARTERFINALS
TEAM W L
#-Cagayan 11 0
#-Phl Army 9 1
#-Smart 6 4
#-Phl Air Force 6 5
x-Meralco 3 7
x-PNP 2 8
#-sigurado na sa Final 4
x-wala nang pag-asa
LARO NGAYON
(The Arena, San Juan)
2 p.m. – PNP vs Meralco
4 p.m. – Smart-Maynilad vs Army
MANILA, Philippines - Magtatangka pa ang Army na makopo ang number one spot sa Final Four sa pagharap sa Smart-Maynilad sa pagpapatuloy ng quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Nasa ikalawang puwesto ang Lady Troopers sa 9-1 baraha at kailangan nilang manalo sa Net Spikers sa kanilang ika-4 ng hapong tunggalian para gumanda ang tsansang agawin ang number one seeding sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang Cagayan Province ang nasa tuktok ng standings sa malinis na 11-0 at sila ang huling kalaro ng Army.
Pero kung masilat ng Smart ang Lady Troopers, makokontento ang huli sa ikalawang puwesto at makakalaban sa semifinals ang alinman sa Net Spikers o Air Force.
May 6-4 baraha ang Smart habang 6-5 ang karta ng Air Women. Puwede pang maagaw ng huli ang ikatlong puwesto na hawak ng bataan ni coach Roger Gorayeb kung mananalo sila sa PNP sa Linggo at matalo naman ang Smart sa hu-ling dalawang laban.
Nanalo ang Army sa Smart sa unang pagtutuos noong Setyembre 15 ngunit asahan na handang magbigay ng mas magandang laban ang Net Spikers lalo pa’t nakikitaan na sila ng magandang team work.
Sina Alyssa Valdez, Thai Lithawat Kesinee Maru Banaticla, Gretchel Soltones at Sue Roces ang mga magtutulung-tulong sa pag-atake laban sa matikas ding sina Jovelyn Gonzaga, MJ Balse, Michelle Carolino, Nene Bautista at Rachel Anne Daquis.
Pride na lamang ang paglalabanan ng PNP at Meralco na magtutuos sa ganap na ika-2 ng hapon.
Parehong talsik na ang dalawang koponan at ang kanilang pinaglalabanan ay ang magkaroon ng disenteng pagtatapos sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
- Latest