Jordan kayang talunin si James sa 1-on-1?

CHARLOTTE, North Carolina – Naniniwala si NBA legend Michael Jordan na kaya niyang talunin si LeBron James sa one-on-one basketball game noong kanyang kapanahunan pero hindi siya sigurado kung kaya niyang talunin si Kobe Bryant.

Sa video ng promotion ng NBA 2K14 video game na ini-release nitong Martes, sinabi ni Jordan na mayroon siyang listahan ng mga players na nais sana niyang makalaro ng one-on-one na kinabibilangan nina Jerry West, Elgin Baylor, Julius Erving, Carmelo Anthony, Dwyane Wade, Bryant at James na mga kasama sa cover ng video.

“I don’t think I would lose,’’ sabi ni Jordan said sa video at ngumiti. “Other than to Kobe Bryant because he steals all of my moves.’’

 â€œMJ said that?’’ ang reksiyon ni James nang ipaabot sa kanya ang sinabi ni Jordan, matapos ang unang training camp practice ng Miami Heat sa Bahamas at sinabi niyang magandang promotion ito para sa video game. “Absolutely, I thought about the matchup,’’ sabi ni James. “But no one would ever see it. It’s not going to happen. But it’s good for people to talk about.’’

 

Show comments