MANILA, Philippines - Masasabing guhit ng tadhana na maging kampeon sa slam dunk sa 3-on-3 World Championship na ginawa sa Indonesia.
Si Paras na anak ng dating PBA star Benjie Paras ay dapat kasama sa FIBA Asia U-16 Championship sa Tehran, Iran.
Ngunit dahil nakikita ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mas may opportunidad si Paras na kuminang sa 3-on-3 kaya’t itinulak nila ito na sumama sa Malaysia.
“Dapat kasama ako sa U-16 team pero dahil mas maganda ang opportunity ko sa 3-on-3 kaya dito ako isinama. Kaya talagang blessing-in-disguise ang nangyaring ito sa akin,†wika ng 16-anyos na si Paras nang nakasama ang amang si Benjie sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Nilundag ng 6’3†na si Paras ang kakamping si Thirdy Ravena habang nakaupo ito sa motorsiklo tu-ngo sa dunk sa finals para manalo laban sa mga nakatunggaling sina 6’7†Antonio Morales ng Spain at 6’5†Demonte Flannigan ng US.
Ang tagumpay sa side event na ito ay hindi papasok sa kanyang isip at sa halip ay gagawin ang lahat para gumanda pa ang ipinakikitang laro.
“Sa ngayon ay focus lang ako sa basketball at stu-dies ko,†ani pa ng batang Paras na mag-aaral ng La Salle Greenhills.
Aminado naman ang nakatatandang Paras na mas mahusay ang kanyang anak ngunit kailangan pa nitong mapag-ibayo ang ibang aspeto sa paglalaro para mas lalong katakutan.
“Talented siya pero kailangan niyang mag-improve sa shooting at dribbling. Talagang mas magaling siya sa akin pero ang lamang ko lang sa kanya ay mas magandang lalaki ako,†pabirong salita ni Paras, ang natatanging Rookie-MVP sa professional league.