Lyceum ‘di pinalusot ang Perpetual

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Lyceum na sa kanila manggaling ang panalong magpapasok sa Perpetual Help sa susunod na round nang gulatin nila ito, 84-61, sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ibinaon agad ng Pirates ang wala sa wisyong Altas ng 30 puntos sa halftime, 53-23, para katampukan ang walang kapagurang pag-atake upang umangat ang tropa ni coach Bonnie Tan sa 5-10 baraha.

Si Mark Francisco ay mayroong 18 puntos at 15 rito ay ginawa niya sa first half.  Siya at si Wilson Bal-tazar na may 12 puntos ay gumawa ng tig-apat na tres habang si Shane Ko at Issah Mbomiko ay naghatid pa ng 17 at 10 puntos.

Sa pagtatapos ng ikatlong yugto ay lumobo pa ang bentahe sa 34 puntos, 75-41, bago ipinasok ni Tan ang ibang players bagay na nagresulta upang mapababa ng Altas ang kalamangan.

Ito ang unang magkasunod na pagkatalo ng Altas na naunang yumukod sa San Beda sa overtime, 76-78  at nangyari noong Setyembre 26.

Bumaba ang bataan ni coach Aric del Rosario sa 11-5 baraha upang kapusin pa ng isang panalo para opisyal na umabante sa Final Four.

Sunod nilang kalaro ang Letran at dapat na manumbalik ang sigla ng kanilang mga alipores para manatiling matibay ang paghahabol sa unang dalawang puwesto at mahalagang twice-to-beat sa semifinals.

Samantala, tinalo ng nagdedepensang kampeon na San Beda Red Cubs ang San Sebastian Staglets, 77-72  para sa ika-15 sunod na panalo sa juniors division.

Kailangan na lamang ng Red Cubs na maipanalo ang nalalabing tatlong laro para umabante na sa Finals.

First game (Juniors)

UPHSD 83 -- Imperial 31, Udal 14, Amploquio 13, Sison 8, Neri 8, Entrampas 5, Tan 4.

LPU 68 --Menil 17, Taladua 13, Nuyda 9, Soriano 9, Cecilio 8, Fajardo 6, Lagman 2, Pere 2, Beroya 2, Agdon 0, Romanes 0.

Quarterscores: 14-11, 28-29, 52-48, 83-68.

Second game (Juniors)

San Beda 77 -- A. Diputado 31, Mocon 11, Caracut 11, Abuda 7, Tongco 4, Decapia 3, Abude 3, Gumtang 3, Abatayo 2, De Villeres 2.

San Sebastian 72 -- Costelo 17, Gayosa 13, Calisaan 11, Magno 10, Santos 9, Yong 6, Gatdula 4, Causon 2.

Quarterscores: 15-17, 23-37, 42-55, 77-72.

Third game (Seniors)

Lyceum 84 -- Francisco 18, Ko 17, Mbomiko 14, Baltazar 12, Zamora 10, Azores 8, Ambohot 3, Soliman 2, Mendoza 0, La-castesantos 0, Taladua 0, Garcia 0.

Perpetual 61 -- Thompson 16, Omorogbe 9, Arboleda 9, Yla-gan 6, Dizon 4, Paulino 3, Baloria 3, Bitoy 3, Oliveria 2, Bantayan 2, Alano 2, Jolangcob 2, Elopre 0, Lucente 0.

Quarterscores: 23-7, 53-23, 75-41, 84-61.

 

Show comments