^

PM Sports

Matira ang matibay sa CEU vs St. Clare

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Manatiling hawak ang titulo sa ikalawang sunod na taon ang nais ng Saint Clare College of Caloocan habang makumpleto ang magandang season ang balak ng Centro Escolar University.

Ang dalawang paaralan ay magkikita sa Makati Coliseum nga-yong ika-12 ng tanghali para paglabanan ang kampeonato ng 13th National Athletic Association of Schools, College and Universities (NAASCU) men’s basketball.

Nauwi sa 1-1 ang best-of-three series nang manalo ang Scorpions sa Game Two, 67-59. Bago ito ay nagdiwang ang Saints sa unang pagkikita nang malusutan ang kalaban sa 70-68 iskor.

Sasandalan ng Scorpions na winalis ang 11-game elimination para agad na umabante sa Finals, sina Joseph Sedurifa, Alvin Abundo, Rodrigue Ebondo at Aaron Jeruta habang sa kamay nina Bong Managuelod, Marte Gil, Jayson Ibay at Robin Dulalia aasa ang Saints.

Kung mangibabaw ang St. Clare, makakasama sila ng University of Manila at San Sebastian College-Dasmariñas bilang mga koponan na naka-back-to-back sa liga.

Magsisilbing panghimagas ang engkuwentro ng CEU at Our Lady of Fatima University para sa kampeonato sa juniors division.

Sina NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare at league president Dr. Vicente Santos ng host OLFU ang mangunguna sa paggawad ng tropeo sa mga mananalo sa awarding ceremony matapos ang labanan.

AARON JERUTA

ALVIN ABUNDO

BONG MANAGUELOD

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGE AND UNIVERSITIES

DR. ERNESTO JAY ADALEM

DR. VICENTE SANTOS

GAME TWO

JAYSON IBAY

ST. CLARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with