Howard igigiya ang Rockets sa NBA championship

HOUSTON -- Nasa magandang kondisyon nga­yon si Dwight Howard at nagsasalita na tungkol sa pag­bibigay niya sa Houston Rockets ng NBA crown.

“We have an opportunity to do something special if we stay together and stay focused,” sabi ni Howard ba­go buksan ang training camp ng Rockets.

Naging malamya ang kanyang pagbabalik noong nakaraang season para sa Los Angeles Lakers dahil sa kanyang offseason back surgery.

Ang paglipat ni Howard sa Houston ang nagpa­lakas ng loob ni James Harden at ng Rockets.

“For me, being healthy, I think it’s going to bring back a lot of the things that I’ve done in the past,” sabi ni Howard. “I’m very excited about it.”

Si Howard ay binigyan ng Rockets ng isang four-year deal na nagkakahalaga ng $88 milyon.

Ito ay mas mataas kumpara sa inialok na $118 mil­yon ng Lakers.

Matatandaang nagkaroon ng sigalot sina Howard at Lakers’ superstar Kobe Bryant na naging dahilan ng paglipat ng una sa Rockets.

 

Show comments