DEERFIELD, Ill. -- Halos kumpleto na ang inaabangang pagbabalik ni Derrick Rose para sa Chicago Bulls.
Muling isinuot ng dating MVP point guard ang kanÂyang jersey No. 1 at tila handa nang tulungan ang Bulls na makabalik sa Eastern Conference Finals maÂtapos maupo sa nakaraang season dahil sa kanyang knee surgery.
Sinabi ni Rose na naiintindihan niya kung bakit disÂmayado ang kanyang mga fans nang hindi siya maÂkapaglaro sa nakaraang season.
“Of course, I would want my favorite player to be back out there,†wika ni Rose. “At the same time, I have to be selfish with the idea. The thought of me injuring myself again, I don’t want to put myself in that position. I just tried to stay far away from it and just think everything through and stay positive.â€
Idinagdag pa ni Rose na taglay pa rin niya ang kumÂpiyansang manalo.
Inaasahan siyang maglalaro sa unang laban ng Chicago sa darating na season laban sa Indiana Pacers sa OkÂtubre 5.
Kumpyansa si Bulls’ general manager Gar Forman na maglalaro si Rose sa bawat preseason game ng ChiÂcaÂgo.
“I think with Derrick, it’ll remain fluid as we go,†ani Forman. “I think it’s difficult at this point to look ahead and say where his minutes will be two weeks from now, four weeks from now, whatever time frame you want to put on it.â€