MANILA, Philippines - Hindi nangyari ang piÂnangangambahang maÂlubÂhang injury ni Mark CaÂguioa ng Barangay GiÂnebra.
Sa kanyang pagkonsulta kay orthopedic surgeon Dr. Jose Raul Canlas, napag-alaman na si CaÂguioa ay nagkaroon ng isang mild sprain sa MCL (meÂdial colateral ligament) sa kanyang kanang tuÂhod matapos ang isang MRI (magnetic resonance imaging) scan.
“Just got back from my favorite very charismaÂtic DR. Raul Canlas and he told me its MCL. Im really glad its only MCL and nothing else,†wika ni Caguioa sa kanyang TwitÂter account na @offiÂcialMC47.
Marami ang kinabahan nang biglang gumulong sa sahig ang 2012 PBA Most Valuable PlaÂyer sa 8:15 ng second peÂriod sa 94-101 kabiguan ng Gin Kings sa Petron Blaze Boosters noong Huwebes sa kanilang quarterfinals match sa 2013 PBA GoÂvernor’s Cup.
Matapos makuha ang pasa mula kay Jayjay HelÂterbrand ay nadulas si CaÂguioa at kaagad na sinaÂpo ang kanyang kanang tuÂhod.
“This is the second time i got injured from slipÂping on a wet floor. Just want PBA to be aware to improve players safety. Thank you,†panawagan ni Caguioa sa PBA Commisioner’s office.
Isang left knee injury ang siyang nagpaupo kay CaÂguioa sa nakaraang 2013 PBA CommissioÂner’s Cup bago bumalik sa pagsagupa ng Ginebra sa Alaska sa championships series.
Tinalo ng Aces ang Gin Kings sa naturang torÂneo.
Anim na linggo ang ipaÂpahinga ni Caguioa baÂgo buÂmalik para sa 2014 PBA Philippine Cup sa Nobyembre.