Knights kumuha ng playoff sa Final Four

MANILA, Philippines - Inangkin ng Letran Col­lege ang playoff para sa isang silya sa Final Four matapos talunin ang bu­mubulusok na Jose Ri­zal University, 75-50, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tou­rnament kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Humakot si 6-foot-7 Raymond Almazan ng 14 points, 20 rebounds at 3 blocks para bandera­han ang panalo ng Knights.

Pinangunahan ni Ke­vin Racal ang Letran mula sa kanyang 17 markers, ha­bang nagtala sina Reneford Ruaya at Jojo Belorio ng tig-10 points.

Nagmula ang Knights sa 64-87 kabiguan sa Emi­lio Aguinaldo Gene­rals noong ling­go.

Pinamunuan naman ni Philip Paniamogan ang Jose Rizal mula sa kanyang 20 points.

Ito ang pang-limang su­nod na kamalasan ng Hea­vy Bombers.

Ipinoste ng Letran ang isang 14-point lead sa first period, 20-6, hanggang iwa­nan ang Jose Rizal sa pagsasara ng third quarter bitbit ang 48-36 kalama­ngan.

Mula dito ay hindi na ni­lingon pa ng Knights ang Heavy Bombers.

Sa juniors’ division, ti­nakasan naman ng Letran Squires ang Jose Rizal Light Bom­bers sa overtime, 75-71.

May 8-6 record nga­yon ang Squires sa ilalim ng San Beda Red Cubs (14-0), San Sebastian Stag­­lets (11-2), Mapua Red Robins (10-4) at CSB-LSGH Greenies (9-4) at kasunod ang Light Bom­­bers (7-6).

 (Juniors)

Letran 75 -- Balanza 22, Villanueva 15, Alacre 13, Sazon 11, Gonzales 5, Geda­ria 4, Ramirez 3, Castro 2, Mag­sino 0.

JRU 71 -- Adorio 25, Da­da 11, Astrero 7, Estrella 7, Abrew 6, Garcia 6, Marcial 5, Anore 2, Bautista 2, De­la Virgen 0, Yazouri 0.

Quarterscores: 17-11; 37-22; 52-42; 63-63; 75-71 (OT).

(Seniors)

Letran 75 -- Racal 17, Al­mazan 14, Ruaya 10, Be­lorio 10, Nambatac 7, Tambeling 6, Cruz 6, Luib 5, Po 0, Olotu 0, Buenaflor 0, Publico 0.

JRU 50 -- Paniamogan 20, Lasquety 9, Mabulac 6, Salaveria 6, Dela Paz 5, Die­go 2, Sanchez 2, Pontejos 0, Cortez 0, Juanico 0, Gozum 0, Balagtas 0, Grospe 0, Abanto 0.

Quarterscores: 20-6; 34-22; 48-36; 75-50.

 

Show comments