Lalabanan ang La Salle Green Archers sa 76th UAAP Finals: Tigers panalo sa Bulldogs

LARO SA

MIYERKULES

(Smart Araneta Coliseum)

4 p.m. La Salle vs UST (Game 1-Finals)

 

 

MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ng University of Sto. Tomas sa final canto para ma­kumpleto ang domi­nas­yon sa National Uni­ver­sity, 76-69, sa kanilang ‘do-or-die’ game sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isang 8-0 bomba na pi­nagningas ng tres ni Kevin Ferrer ang siyang ginamit ng Tigers para ma­i­santabi ang pag-agaw ng Bulldogs sa momentum nang magtala ng 56-52 kalamangan sa huling 7:31 ng labanan.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng UST kontra sa NU para maging kauna-unahang koponan na nakapasok sa UAAP Fi­nals bilang No. 4 team sa­pul nang gamitin ang Fi­nal Four format sa liga.

Umagos ang luha sa mga ma­ta ni Tigers’ coach Pido Ja­rencio kahit mahigit isang minuto pa ang nala­la­bi sa laro.

“Hindi ko akalain na aabot kami dito. Marami rin ang nagdududa sa ka­­­kayahan kong mag-coach,” ani Jarencio.

Si Ferrer ay nagtala ng 18 puntos at ang kanyang tres sa huling 4:16 sa orasan ang tuluyang nagtabon sa 61-59 bentahe ng Bulldogs mula kay Gelo Alo­lino.

Si Jeric Teng ang na­mu­no sa UST galing sa kan­­yang 19 puntos, habang si Aljon Mariano ay may 12 puntos.

May 15 puntos si Bobby Ray Parks Jr. para sa NU pero hindi na siya na­ka­iskor sa fourth quarter.

Lalabanan ng Tigers ang La Salle Green Archers sa best-of-three title series na magsisimula sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Sinibak ng La Salle ang Far Eastern Universi­ty sa Final Four.

UST 76 - Teng 19, Ferrer 18, Mariano 12, Bautista 8, Sheriff 6, Abdul 6, Daquioag 3, Lo 2, Pe 1, Lao 1, Hainga 0.

NU 69 - Parks 15, Mbe 10, Alolino 10, Javelona 9, Villamor 8, Rosario 6, Roño 6, Khobuntin 3, Javillonar 2, Porter 0, Neypes 0, Alejandro 0.

Quarterscores: 19-10; 31-31; 50-49; 76-69.

Show comments