^

PM Sports

Lumakas ang tsansa ng Smart sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpamalas ng impresibong laro si Alyssa Valdez at Gretchel Soltones upang igupo ng Smart-Maynilad ang Philippine National Police, 17-25, 25-17, 25-20, 25-22 para palakasin ang kanilang tsansa sa Final 4 sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Confe-rence quarterfinals sa  The Arena sa San Juan City kahapon.

Sa huling bahagi na ng first set nakapasok sa laro sina Valdez at Soltones dahil sa conflict sa sche-dule sa kanilang eskuwelahan kaya naka-una ang  Lady Patrolers.

Ngunit bumawi ang dalawa upang ihatid sa ikalawang sunod na tagumpay ang Net Spikers sa carryover quarterfinal phase para sa 6-3 card sa ligang sponsored ng Shakey’s.

Nanatili ang Smart-Maynilad sa third sa likod ng semifinalists nang Cagayan Province (8-0) at Army (8-1)  at ang panalo ay  pampataas ng kanilang morale para sa pagharap sa Cagayan bukas.

Bumangon naman ang Cagayan Province mula sa five-point deficit sa deciding set tungo sa 25-14, 16-25, 25-22, 23-25, 15-13 panao sa Meralco

Sinamantala ng Rising Sunsang error ni Chinese import Coco Wang para makakawala sa 13-all sa fifth bago nagpakawala si Aiza Maizo  ng match-clinching spike para humigpit ang kapit sa ng Rising Suns sa top seeding ng Final Four.

Ito ay masamang pagkatalo sa Power Spikers na  may momentum na sa fourth-set  at nakauna sa deciding set ng five points ngunit kumulapso lamang sa dakong huli.

 

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

CAGAYAN PROVINCE

COCO WANG

FINAL FOUR

GRETCHEL SOLTONES

LADY PATROLERS

NET SPIKERS

OPEN CONFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with