MANILA, Philippines - Dahil sa kakulangan ng torneong nilaruan para pagbasehan kung dapat isama o hindi, tuluyan ng isi-nara ng POC-PSC Task Force SEA Games ang pintuan para sa U-23 men’s football team para sa Myanmar SEA Games.
“Gusto lamang namin na maging fair sa lahat ng mga NSAs. Kulang ang performance na ipinakikita nila dahil isang international friendly lang ang kanilang sinalihan at natalo pa sa Singapore. Nagiging consistent lamang kami sa posisyon na ang pagpapadala ng atleta o team sa SEA Games ay base sa kanilang mga ipinakitang performance,†wika ni POC chairman at TF member Tom Carrasco Jr.
Sa ngayon ay nagsasanay pa ang U-23 at may ba-lak na tumulak pa-Japan para sa training camp.
Hindi pa naman nagbibigay ng komento ang PFF sa nasabing desisyon habang wala pang official communication mula sa POC.
“I have to get POC’s reply to our letter. The problem is that we don’t get the courtesy of a reply from our communications to them,†wika ni PFF president Mariano Araneta.
Sa pangyayari, ang women’s team na kilala rin bilang Malditas ang siyang magdadala ng laban ng Pilipinas sa football sa Myanmar.