MANILA, Philippines - Kinuha ng kabayong Mr. Xavier ang ikalawang panalo sa apat na takbo nang maisantabi ang ha-mon ng ibang kondisyong kabayo noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si JB Cordova ang sumakay sa kabayo sa ikatlong sunod na takbo at naisantabi ng tambalan ang hamon ng apat na iba pa sa rekta para manalo sa class division 1-B sa 1,300-metro distansyang karera.
Halos magkakasabay na dumarating ang She’s Gorgeous, Fast Forward, Echomac, Face To Face sa rekta pero buo pa rin ng Mr. Xavier para manalo ng isang kabayo sa rumemateng Face To Face ni Roderick Hipolito.
Outstanding favo-rite ang Mr. Xavier na nanalo noong Setyembre 13 at pumangalawa noong Setyembre 19 para makapaghatid ng P5.00 sa win. Ang 11-5 forecast ay nagpasok naman ng P18.00 dibidendo.
Nagpasikat din ang 2-YO horse na Australian Lady sa pagdadala ni Pat Dilema nang manalo sa 1,200-metro distansya.
Itinutok muna ni Dilema ang sakay na kabayo sa naunang uma-lagwa na Riddler ni RR Camañero bago kinuha ang bandera sa huling kurbada.
Sinikap na humabol ang dehadong Ready And Waiting pero hindi na kinaya pang kargahan ni jockey Esteban de Vera ang tulin ng sakay para makontento sa ikalawang puwesto.
Ito ang unang opisyal na panalo ng Australian Lady para makapaghatid ng P5.50 dibidendo habang ang paglapag ng dehadong Ready And Waiting sa ikalawang puwesto ay nagbigay ng P285.00 sa 1-6 forecast.
Mga liyamadong kabayo ang namayagpag sa gabi at ang lumabas bilang pinakadehado ay ang American Ruler sa Handicap Race 1-A.
Si CM Pilapil ang nagdala sa kabayo na nalagay sa ikalimang puwesto noong Setyembre 19.
Ngunit sa pagkakataong ito ay kondisyon ang kabayo para manalo sa Pil-yo.