^

PM Sports

Gasol paghahandaan ang Gilas Pilipinas

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gamit ang kanyang Twitter account na @paugasol, sinabi ni NBA superstar Pau Gasol ng Los Angeles Lakers na maghahanda siya para sa Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ang sagot ni Gasol ay mula na rin sa pahayag ng isang @boy_durian sa kanyang Twitter na humamon sa 7-foot-2 NBA center.

“Let’s say that I’ll be ready if we play each other. See you there!” pahayag ng 33-anyos na si Gasol na mu-ling kakatawanin ang host Spain sa 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

“That would be fun! If not, hopefully we’ll meet at the World Championships!” dagdag pa ni Gasol.

Maliban sa Gilas Pilipinas, ang kakatawan sa Asya sa 2014 World Cup ay ang Iran, nagkampeon sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships noong Agosto sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at ang South Korea.

Gumawa naman si head coach Chot Reyes ng scouting report sa katatapos na 2013 FIBA Euro Basket qualifiers sa Arena Stožice sa Ljubljana, Slovenia.

Ang France ni Tony Parker ng San Antonio Spurs ang kumuha ng gold medal matapos talunin ang Lithuania sa finals.

Kahit na awtomatikong maglalaro sa 2014 FIBA World Cup bilang host country ay sinikwat pa rin ng Spain ang bronze medal.

Nakausap ni Reyes ang kakampi ni Gasol sa Spa-nish national team na si Jorge Garbajosa.

“Sorry I dint get a chance to see u in Ljubjlana. Bumped into Jorge Garbajosa 1 night. Hope we can play a tune-up in Spain next Aug,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot kay Gasol.

                                                          

vuukle comment

AGOSTO

ANG FRANCE

ARENA STO

ASIA MEN

GASOL

GILAS PILIPINAS

JORGE GARBAJOSA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with