MANILA, Philippines - Maluwag na tinanggap ni Talk ‘N Text point guard Jimmy Alapag ang kanilang kabiguan sa Barangay Ginebra sa playoff para sa No. 8 ticket sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governor’s Cup noong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ipinaabot ito ng 2010-2011 PBA Most Valua-ble Player awardee sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @JAlapag33.
“We all fall short sometimes, but what’s more important is we get back up and climb again. Proud of my guys. Fought til the end,†sabi ng 35-anyos na si Alapag.
Bumangon ang Tropang Texters mula sa isang 21-point deficit sa Gin Kings sa third period para makadikit sa 98-101 agwat sa huling 2:53 minuto ng fourth quarter.
Naipuwersa ng Talk ‘N Text, nagkampeon sa 2013 PBA Philippine Cup, ang naturang playoff game matapos talunin ang Ginebra, 113-99, noong Linggo.
“Time to rest, recover, and refocus for next season,†sabi ng 5-foot-9 na si Alapag. “Looking forward for the opportunity to defend our 3peat in the All Filipino.â€
Kasama sina Alapag, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo at Larry Fonacier sa Gilas Pilipinas, silver medalist sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships para kumatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain kasama ang Iran at South Korea.