MANILA, Philippines - Sumandal ang Cagayan Province kay Shiela Pineda nang hindi makaporma si Thai import Kannika Thipachot upang igupo ang palabang Phl Air Force, 22-25, 25-20, 25-20, 25-22 para makopo ang unang Final Four berth sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Nag-step-up ang po-wer-hitting na si Pineda, naging pambato ng Adamson matapos sumama ang pakiramdam ni Thipachot sa huling bahagi ng se-cond set at umiskor ng nine points, para maging key backup nina Aiza Maizo at Angeli Tabaquero na may pinagsamang 31 hits para sa Rising Suns.
Ito ang ikawalong sunod na panalo ng Cagayan na naka-sweep ng eliminations sa 7-0, na nagkaloob sa kanila ng slot sa Final Four ng season-ending conference ng ligang sponsored ng Shakey’s.
Sinundan ng Army ang Cagayan sa semis matapos igupo ang Meralco, 25-18, 25-19, 25-19 para manatili sa likuran ng Rising Suns sa 8-1 record.
Nagpakawala si Rachel Anne Daquis ng 19-hit game habang umiskor si Jovelyn Gonzaga ng 11 hits nang sapawan ng Army Women ang Power Spikers, 45-35 bukod pa sa eight blocks at paglimi-ta sa Chinese reinforcement ng Meralco na si Coco Wang sa 14 points.
Ito ang ikalimang talo ng Meralco sa 8-laro.
Umiskor si Thipachot, ang Cagayan top scorer na may average na 15-hits, ng six points sa paglalaro sa dalawang set bago ito inilabas sa laro.
Ngunit mahusay na paglalaro ang ipinamalas nina Pineda, Maizo at Tabaquero sa tulong nina Thai setter Phomia Soraya, Pau Soriano at Wenneth Eulalio na nag-ambag ng tig-7-hits.
“Napilitan kaming ilabas si Thipachot at dalhin sa ospital, may nakain siguro siya bago magsimula ‘yung game,†sabi ni Cagayan coach Nes Pamilar, ang nagmando sa koponang tumapos bilang 12th sa katatapos lamang na Asian Championships sa Nakhon Ratchasima.