^

PM Sports

Bumalik ang tikas ng Coal Harbour

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naibalik  agad ng Coal Harbour ang tikas ng pagtakbo nang masama sa mga nanalo noong Lunes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang apprentice rider na si  JL Paano ang dumiskarte uli sa nasabing kabayo na nanalo sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong takbo.

Sa class division 7 lumarga ang karera sa distan-syang 1,300-metro at kondisyon ang nanalong tambalan sa hamon ng Jaiho. Pumalo pa sa P32.00 ang win habang ang 2-1 forecast ay nagpasok ng P114.50.

Masasabing gabi ng apprentice riders ang nangyari sa unang araw sa pitong araw na karera sa tatlong magkakaibang  race track dahil si RV Leona ang siyang lumabas bilang winningest jockey sa walong pinaglabanang karera.

Unang panalo ni Leona ay sa kaba-yong C Bisquick sa special class division race para pangatawanan din ang pagi-ging patok ng sakay na kabayo. Pangalawa ang Aranque para lumawig sa tatlong buwan ang pagpapanalo ng C Bisquick.

Halagang P6.50 ang ipinasok ng win habang P24.50 ang 3-4 forecast.

Ang Oh So Discreet ang sunod na nanalo sa race 5 na isang class division 1B race. Talunan sa karera ang Flair Bottoms para magpasok ang 1-7 forecast ng P24.50 habang P11.50 ang ibinigay sa win.

ANG OH SO DISCREET

ARANQUE

C BISQUICK

CARMONA

CAVITE

COAL HARBOUR

FLAIR BOTTOMS

HALAGANG

LEONA

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with