Inaabangan ng marami ang pagbabalik ng mga mahuhusay na NBA players mula sa injury ngayong season. Unang-una na diyan sina Lakers star Kobe Bryant at Derrick Rose ng Chicago Bulls.
KOBE BRYANT - Marami ang nag-aabang kung kailan lalaro si Bryant matapos magtamo ng ACL injury. Hindi man ito makalaro sa opening game ng La-kers sa Oct. 29, mas maaga ang kanyang pagbabalik dahil mas mabilis ang kanyang recovery.
Huwag nating asahang singgaling ng dating Kobe Bryant ang ating masisilayan sa kanyang pagbabalik ngunit siguradong hahanga pa rin tayo.
DERRICK ROSE – Tulad ni Bryant, napunit din ang Achilles tendon ni Rose kaya hindi ito nakalaro sa Chicago Bulls noong nakaraang season. Kailangan niyang maibalik ang kanyang pormang pang-MVP para maihatid sa kampeonato ang Bulls ngunit huwag tayong umasang agad-agad itong mangyayari.
ANDREW BAYNUM – Hindi nakalaro noong nakaraang season si Baynum kaya walang nakakaalam kung ano ang kanyang maaaring gawin para sa Cleveland ngayong season. Si Baynum ay itinuring na isa sa mahuhusay na sentro sa NBA at ito ang inaasahang muling makita sa kanya.
RAJON RONDO – Kailangan ngayon ng Boston si Rondo sa pagkawala nina Paul Pierce at Kevin Garnett na lumipat sa Brooklyn. Ngunit ang tanong ay kung ano ang kaya niyang ibigay dahil manggagaling siya sa ACL injury.
RUSSELL WESTBROOK – Nang mawala si Russell Westbrook, natalo sa Memphis ang Oklahoma sa Conference semifinals. Ganyan kahalaga si Westbrook sa Thunder. Inaasahang fully recovered na si Westbrook mula sa napunit na right meniscus upang makatulong ni Kevin Durant sa pagdadala ng Oklahoma.
DANNY GRANGER – Hindi nakalaro ng maa-yos si Danny Granger noong nakaraang season dahil sa patellar tendonitis at iba pang injury. Umaasa ang Indiana na maayos na ang kalusugan ni Granger para makatulong sa kanila.
Ang iba pang players na galing sa injury at magbabalik NBA ngayong season ay sina Anderson Varejao, Lou Williams, Al Harrington at Greg Oden.