2nd round pick na si Kelly pinapirma ng LA Lakers

EL SEGUNDO, Calif.  – Pinapirma ng Los Angeles Lakers si  Ryan Kelly, ang kanilang second-round draft pick mula sa Duke, ayon sa pahayag ng team nitong Biyernes.

Ang 6-foot-11 na si Kelly ang 48th overall pick nitong draft.

Siya ay lumaro ng apat na seasons sa Blue Devils kung saan nag-average ito ng 12.9 points, 5.3 rebounds at 1.6 blocked shots noong nakaraang season bagama’t nag-miss ito ng 13 games dahil sa injuries.

Bubuksan ng Los Angeles ang training camp sa susunod na weekend.

 

Show comments