MAASIN, Leyte, Philippines -- Inaasahang lalahukan ang Visayas qualifying leg ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2013 ng record 1,500 participants sa 20 sports sa iba’t ibang venues sa lungsod na ito.
Sinabi ng overall project director lawyer na si Jay Alano ng PSC na umabot na ang bilang ng mga nagparehistro sa 1,000 athletes na lampas na sa 789 participants noong nakaraang taon na magandang senyales sa mainit na pagtangkilik sa grassroots program na ito para sa mga batang edad 15-gulang at pababa.
“The athletes are still coming in, so if we can get 1,500 athletes that would be good,†sabi ni Alano kahapon.
Ang mga bronze winners sa individual events at silver medalists sa team sports ay magku-qualify sa National Finals sa November sa Bacolod City.
Pangungunahan nina POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr. at PSC commissioner Jolly Gomez ang opening ce-remonies ngayon sa alas-4:00 ng hapon sa Southern Leyte Sports Complex.
Inaasahang darating din ang mga local officials sa pangunguna ni Mayor Maloney Samaco at ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.
Ang mga sports na pag-lalabanan ay arnis, athle-tics, badminton, boxing, chess, dancesports, futsal, gymnastics (cheerdance), karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting at wrestling.