^

PM Sports

Cagayan, Army tangka ang semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tangka ng wala pang talong Cagayan Pro-vince at second-running Army na makadalawang sunod sa Air Force at Meralco, ayon sa pagkakasunod para ipormalisa ang kanilang pagpasok sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Tinalo ng Rising Suns ang Air Women sa apat na set noong  Aug. 23 na simula ng sunud-sunod na lopsided wins para ma-sweep ang eight-team, single round elims. Manggagaling ang Caga-yan sa 12-day break ngunit ang core ng team ay lumaro para sa National team sa nakaraang Asian Cham-pionships.

Natalo naman ang Air Force sa four-set sa Smart-Maynilad sa pagsisimula ng quarterfinals  noong Linggo at hangad na ma-kabawi  para makapasok sa  semis sa season-ending conference  ng ligang sponsored ng Shakey’s.

Ang laro ay alas-2:00 kung saan hangad ng Cagayan na ideretso ang kanilang panalo sa walo para humigpit ang kapit sa No. 1 patungo sa Final Four ng tournament na suportado ng Mikasa at Accel.

Nakasunod ang Army sa 7-1 card matapos buksan ang quarterfinals sa 25-13, 25-23, 25-22 pa-nalo kontra sa Phl Natio-nal Police noong Linggo.

Tulad ng Air Force, kailangan ng Meralco ng panalo para manatili sa kontensiyon dahil ang Power Spikers ay nasa fifth place sa 3-4 card, sa likod ng Air Force at Smart-Maynilad na tabla sa 5-3 record.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WOMEN

ASIAN CHAM

CAGAYAN PRO

FINAL FOUR

LINGGO

MERALCO

OPEN CONFERENCE

PHL NATIO

POWER SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with