Orcollo-Corteza tandem pasok sa World 9-Ball semis

MANILA, Philippines - Sinandalan nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ang kanilang husay na kinapitan ng suwerte upang igupo sina Miko Balasz at Gabor Solymosi ng Hungary, 9-1 para itakda ang semifinal showdown ng Philippines kontra sa mga bigating Chinese-Taipei sa World Cup of Pool sa York Hall sa Bethnal Green, London noong Sabado.

Sinamantala ng mga Pinoy ang mga ‘lucky breaks’ para kontrolin ang laban at ginamit nila ang  kanilang talento upang masundan  ang mga panalo laban sa Croatians at Singaporeans.

“We were a bit lucky off the break,” sabi ni Corteza. “We always had a ball on and we tried to make the most of it. We didn’t really give them that many chances so we’re really pleased to be through to the finals.”

Ang Hungarians, dumaan sa qualifying tournament noong August, ay nanalo sa China sa first round bago isinunod ang Russia sa round two ngunit hindi sila nakaporma sa Pinoy duo.

Ang Philippines ay maagang nasibak sa kontensiyon sa torneong ito noong nakaraang taon dito sa Manila  ngunit wala silang pressure na lumalaban ngayon.

“Last year (sa Manila) we lost in the first round but this year, being in London, there’s not so much pressure so we’re trying to relax and play our best. But Taiwan is a very good team, so we’ll have to come with our best,” sabi ni Corteza.

Inaasahang mapapalaban naman ang Pinoy tandem sa mga mapanganib na Chinese Taipei duo nina Chang Jung-lin at Ko Pin-yi.

Ang torneo ay nilahukan ng 32 teams mula sa 31 bansa para sa single elimination format. Ang kabuuang premyo ay US$250,000 kung saan $60,000 ang kukubrahin ng magkakampeon.

 

Show comments