Palaban ang Tigers
MANILA, Philippines - Hindi maaaring maliitin ang puso ng UST lalo na sa isang do-or-die game.
Ito ang nakita ng number one team na National University nang padapain sila ng Tigers, 71-62 sa 76th UAAP men’s basketball Final Four kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Si Kevin Ferrer ay gumawa ng 14 puntos habang naghati sa 24 puntos sina Aljon Mariano at Clark Bautista pero sa puntong naghahabol ang Bulldogs, ang lider ng Tigers na si Jeric Teng ang siyang umakto bilang pamatay-sunog upang maitakas ang panalo.
Gumawa lamang ng walong puntos, pinakamatinding buslo ni Teng ay ang malayong tres laban sa depensa ni Bobby Parks Jr. na tumapos sa 13-0 run ng Bulldogs.
Bago ito ay kampante nang nakalayo ng 18 puntos ang Tigers, 63-45 pero hinigpitan ng Bulldogs ang depensa para makakuha ng turnover points at manakot sa 58-63.
Kinapitan din ng suwerte ang UST dahil sumablay ang libreng dunk ni Emmanuel Mbe na kung pumasok ay nag-lapit sana sa tatlo sa NU.
“Medyo nakagawa sila ng run at tinamad kami. Pero pumasok ang tres ni Jeric at nag-miss si Mbe. Kaya pinasasalamatan ko siya,†pabirong wika ni Jarencio na makikipagsukatan uli sa NU sa Sabado para sa puwesto sa Finals.
Wala sa wisyo ang tropa ni coach Eric Altamirano dahil hindi sila nakatikim ng kalamangan sa kabuuan ng laro at ito ay dahil hindi nila natapatan ang intensidad ng Tigers.
Sampung manlalaro ang ginamit ni Jarencio mula sa unang yugto at wala silang kapaguran sa opensa at depensa para sa pagtatapos ng halftime ay hawak na ang 39-23 bentahe.
“Sinabi ko sa kanila na wala sa amin ang pressure, nasa kanila. Ang problema sa number one, kailangan nilang i-maintain ito habang kami na number four ay nag-a-aspire na maging number one,†rason ni Ja-rencio.
UST 71 – Ferrer 14, Maria-no 12, Bautista 12, Teng 8, Abdul 7, Sheriff 6, Pe 6, Lo 2, Lao 2, Daquioag 2.
NU 62 – Alolino 17, Parks 14, Rono 8, Mbe 8, Villamor 5, Khobuntin 5, Porter 3, Alejandro 2.
Quarterscores: 19-8; 39-23; 54-44; 71-62.
- Latest