BROOKLYN -- Nagulantang ang mga fans nang ihaÂyag ni Nets point guard Deron Williams na nag-oÂorganisa siya ng isang celebrity dodgeball tournament paÂra sa isang charity sa offseason.
Ang wrist injury ni Williams ang siyang inaalala ng mga Nets fans bukod pa sa kanyang ankle injuries na nagpaupo sa kanya sa halos kabuuan ng nakaraang 2012-13 season.
Natuwa naman ang mga fans nang sabihin ni Williams na hindi siya maglalaro sa torneo.
Sa pagbubukas ng kanyang torneo ay nagpakita si Williams na may suot na walking boot sa kanyang kaÂnang binti.
“As long as I’m ready for the season opener on Oct. 30 at Cleveland, that’s all that matters to me,†sabi ni Williams.
“If it was up to me, I would be playing right now. I can walk fine. It doesn’t hurt. It’s just protecting me from myself,†sabi pa ng point guard.