France vs Lithuania sa finals ng Eurobasket
LJUBLJANA - Nakakuha ang France ng pagkakaÂtaon na makamit ang kanilang unang major basketball title matapos magbida ang 31-na si Tony Parker sa 75-72 overtime win laban sa Spain sa kanilang European Championship semifinal match.
Makakasagupa ng French, tinalo ng Spain sa 2011 FiÂnals, ang Lithuania na tumalo sa Croatia, 77-62, para sa titulo.
Umiskor si Parker, May tatlong NBA titles para sa San Antonio Spurs, ng 32 points para tulungan ang France na makabangon mula sa isang 14-point halftime deficit upang makatabla sa Spain sa 65-65 sa fourth quarter.
Kumawala naman sa Spain ang tsansang makuha ang kanilang ikatlong sunod na European title.
Matapos maimintis ang una nilang 10 attempts sa three-point range sa first half, nagsalpak naman ang France ng 9-of-10 shots sa 3-point range, habang umiskor naman si Parker ng mga lay-ups at perimeter shots.
Umabante naman ang Lithuania sa una nilang finals stint matapos magkampeon noong 2003.
Umiskor si shooting guard Jonas Maciulis ng 23 points kasunod ang 22 ni forward Linas Kleiza at 18 ni playÂmaker Mantas Kalnietis.
Mula sa dikitang first half, isang 18-3 arangkada ang ginawa ng Lithuanians sa kaagahan ng third quarter para iposte ang 58-40 kalamangan kontra sa Croatians.
- Latest