Win No. 7 target ng Army, habang ikaanim naman ang puntirya ng Air Force sa quarters

MANILA, Philippines - Ang ika-pitong panalo ang aasintahin ng Philippine Army, habang pang-anim na sunod na ratsada ang asam ng Air Force sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Katapat ng Army Wo­men ang Philippine Na­tional Police ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang laban ng Air Women at Smart-Maynilad sa alas-4.

Ang makukuhang pa­nalo ay magpapatibay sa Army at Airforce sa inuu­pu­ang pangalawa at pa­ngatlong puwesto sa liga.

Ang anim na koponan na nakalusot sa elimination round ang magkaka­sama sa quarterfinals at bitbit nila ang kanilang re­cords sa yugto.

Sa single-round muli lalaruin ng mga koponang ito at ang mangungunang apat ang siyang papasok sa crossover semifinals.

Tinalo ng Army ang La­dy Patrolers via straight sets sa eliminasyon.

Nanalo rin ang Air Force laban sa Net Spi­kers, ngunit mas malakas nga­yon ang tropa ni coach Roger Gorayeb upang tumibay ang paghahabol sa puwesto sa Final Four.

May 4-3 baraha, si Alyssa Valdez ay maka­ka­sama na ng Net Spi­kers para tumibay ang ka­nilang pag-atake.

Ito na ang ikalawang laro ng pambato ng Ate­neo.

Gumawa siya kaagad ng season-high 28 puntos nang matalo ang koponan sa limang sets  laban sa Ar­my.

Sina Sue Roces, Ma­ru Banaticla, Gretchel Sol­tones, Charo Soriano at Thai import Lithawat Ke­sinee ang mga oopensa, ha­bang magsasalitan sa pag­dadala ng opensa sina Ruby De Leon at Jem Ferrer para sa Smart-Maynilad.

Ang mga beteranang sina Joy Cases, Maika Ortiz, Judy Ann Caballejo, Wendy Semana at setter Rhea Dimaculangan ang mu­ling aasahan ng Air Force.

 

Show comments