Ginebra magpipilit sa No. 8 seat sa pagbangga sa Talk ‘N Text

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling tatangkain ng Gin Kings na makaabante sa eight-team quarterfinal cast.

Haharapin ng Barangay Ginebra ang minama­las na Talk ‘N Text nga­yong alas-6:30 ng gabi ma­tapos ang banggaan ng Alaska at Air21 sa alas-4:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Go­vernor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay Ci­ty.

Nadiskaril ang pagpasok ng Gin Kings sa quarterfinals nang makatikim ng 106-113 overtime loss sa Globalport Batang Pier noong Biyernes.

Ayon kay head coach Ato Agustin, ang pick and roll ng mga kalaban ang ka­nilang nagiging proble­ma sa torneo.

“We need to work on our problem, kasi halos pick and roll ang naging prob­lema namin,” wika ni Agustin. “Kailangan na­ming i-work out ‘yun against Talk ’N Text.”

Nasa isang four-game lo­sing slump naman ang Tro­pang Texters ni Norman Black.

Huling nakalasap ng ka­­biguan ang Talk ‘N Text noong nakaraang Mi­yerkules nang sumuko sa nagdedepensang Rain or Shine, 102-104, sa ka­bila ng pagpaparada sa bagong import na si Court­ney Fells.

Itatapat ng Gin Kings kay Fells si Dior Lowhorn na umiskor ng 41 points sa kanilang kabiguan sa Batang Pier kasunod ang 18 ni Jayjay Helterbrand.

Sa unang laro, pipili­tin naman ng Alaska na ma­katabla sa Rain or Shine para sa agawan sa No. 4 berth sa Magic Four sa pag­­­sagupa sa Air21.

Ang Top Four teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quar­­terfinals kontra sa apat na koponang nasa lo­wer bracket.

 

Show comments