Kabayong Crucis may gustong patunayan sa Philracom Series

MANILA, Philippines -  Patutunayan ngayon ng kabayong Crucis na hin­di tsamba ang kanyang pa­nalo sa huling yugto ng karera sa pagtakbo sa fifth leg ng 2013 Philra­com Imported-Local Chal­lenge Series sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Dinomina ang fourth leg na nangyari noong nakaraang buwan sa bagong race track, ang Crucis ay inaasahang magiging pa­laban kontra sa pitong iba pa sa karerang paglalaba­nan sa 2000-metro distansya.

Sinahugan ng nagta­taguyod na Philippine Ra­cing Commission ng P500,000.00 premyo, ang ma­nanalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 habang ang papangalawa ay mayroong P112,500.00.

Ang papangatlo ay mag-uuwi ng P62,500.00, ha­bang P25,000.00 ang ma­papasakamay ng papang-apat sa datingan.

Ang Juggling Act na na­talo sa Crucis sa hu­ling leg ang mangunguna sa ka­rerang inialay din kay Jockey Elias Ordiales na siyang orihinal na “El Maestro” sa local horse ra­cing.

Ang iba pang kasali ay ang Nefertiti, Little Ms. Hotshot, Sliotar, Tritanic, Botbo at Close To Hallie.

Ang Tritanic ay pu­mangatlo sa nakaraang yugto at tiyak na ginawa ng kanyang handlers ang lahat ng makakaya pa­ra maikondisyon ang ka­bayo tungo sa inaasam na pa­nalo.

Si Jockey Elias ay na­­kilala bilang isa sa pi­nakamatinik na hinete sa kanyang kapanahunan at naipamalas ang angking hu­say sa pagdadala ng ka­bayo nang makadalawang leg  na panalo sa kauna-una­hang Philracom Triple Crown Championship noong 1974 gamit ang kabayong Native Gift.

Samantala, isang mananaya muli ang sinu­werte noong Huwebes ng gabi nang masolo ang Win­ner-Take-All.

Ang dibidendong P2,307,764.00 ang na­pa­sa­kamay ng dehadis­tang kuminang sa pista nang na­kuha ang kum­bi­nas­yong 7-6-9-5-13-11-8.

Ang pinakadehadong ka­bayo ay ang Erica’s Champ sa race 8.

Show comments