Kabayong Crucis may gustong patunayan sa Philracom Series
MANILA, Philippines - Patutunayan ngayon ng kabayong Crucis na hinÂdi tsamba ang kanyang paÂnalo sa huling yugto ng karera sa pagtakbo sa fifth leg ng 2013 PhilraÂcom Imported-Local ChalÂlenge Series sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Dinomina ang fourth leg na nangyari noong nakaraang buwan sa bagong race track, ang Crucis ay inaasahang magiging paÂlaban kontra sa pitong iba pa sa karerang paglalabaÂnan sa 2000-metro distansya.
Sinahugan ng nagtaÂtaguyod na Philippine RaÂcing Commission ng P500,000.00 premyo, ang maÂnanalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 habang ang papangalawa ay mayroong P112,500.00.
Ang papangatlo ay mag-uuwi ng P62,500.00, haÂbang P25,000.00 ang maÂpapasakamay ng papang-apat sa datingan.
Ang Juggling Act na naÂtalo sa Crucis sa huÂling leg ang mangunguna sa kaÂrerang inialay din kay Jockey Elias Ordiales na siyang orihinal na “El Maestro†sa local horse raÂcing.
Ang iba pang kasali ay ang Nefertiti, Little Ms. Hotshot, Sliotar, Tritanic, Botbo at Close To Hallie.
Ang Tritanic ay puÂmangatlo sa nakaraang yugto at tiyak na ginawa ng kanyang handlers ang lahat ng makakaya paÂra maikondisyon ang kaÂbayo tungo sa inaasam na paÂnalo.
Si Jockey Elias ay naÂÂkilala bilang isa sa piÂnakamatinik na hinete sa kanyang kapanahunan at naipamalas ang angking huÂsay sa pagdadala ng kaÂbayo nang makadalawang leg na panalo sa kauna-unaÂhang Philracom Triple Crown Championship noong 1974 gamit ang kabayong Native Gift.
Samantala, isang mananaya muli ang sinuÂwerte noong Huwebes ng gabi nang masolo ang WinÂner-Take-All.
Ang dibidendong P2,307,764.00 ang naÂpaÂsaÂkamay ng dehadisÂtang kuminang sa pista nang naÂkuha ang kumÂbiÂnasÂyong 7-6-9-5-13-11-8.
Ang pinakadehadong kaÂbayo ay ang Erica’s Champ sa race 8.
- Latest