CLEVELAND -- Ipinagpatuloy ni Cavaliers forward Anthony Bennett, ang No. 1 pick sa nakaraang NBA Draft, ang kanyang paglalaro ng five-on-five basÂketball sa unang pagkakataon matapos ang ilang buÂÂwan, ayon sa Yahoo! Sports.
Sumailalim ang dating UNLV star sa isang rotator cuff surgery sa kaliwang balikat noong Mayo at inaaÂsahang magpapahinga ng apat na buwan.
Hindi siya nakalaro sa summer league sa Las Vegas daÂhil sa kanyang operasyon.
Makikipag-agawan si Bennett, maaaring lumaro sa small at power forward position, kina Tristan Thompson at Anderson Varejao para sa starting spot.
Nagtala ang 6-foot-8 at 240-pounder na si Bennett, isang Canadian, ng mga averages na 16.1 points at 8.1 rebounds per game sa kanyang tanging season sa UNLV noong 2012-13 at naging dominante sa Mountain West Conference.