Depensa ni Iguodala inaasahan ng Warriors

GOLDEN STATE -- Ang paghugot ng Warriors kay veteran wingman Andre Iguodala sa off­season ang magpapala­kas sa kanilang koponan pa­ra sa darating na NBA season.

At nararapat lamang na bigyang halaga ang na­itutulong ni Iguodala bi­lang isa sa pinakama­ga­ling na wing defenders sa kanyang panahon.

Ngunit ang paglalaro ni Iguodala sa Philadelphia 76ers bilang top offensive op­tion ay hindi angkop sa kanyang laro.

“I don’t think I got enough credit for what I bring to certain teams, especially last year with the record that we had, breaking the franchise record for wins and how we kind of kept everything together and pulled off a great season,” wika ni Iguodala.

“Just really continue to build with this team as well. Not just for one year but do it for multiple years, keep making runs at everyone’s ultimate goal, which is a cham­pionship,” dagdag pa nito.

Matapos sa Philadelphia ay lumipat si Iguodala sa Den­ver Nuggets sa nakaraang season.

Mula sa pagiging ika-20 sa defensive efficiency ay umakyat sa No. 11 ang Nuggets matapos makuha si Iguodala.

Show comments