George, Pacers nag-uusap para sa contract extension

INDIANAPOLIS -- Pinag-uusapan ni All-Star for­ward Paul George at ng Indiana Pacers ang negosas­yon para sa isang long-term contract extension.

Ito ay inaasahang mapapanalisa bago magsimula ang regular season.

Ang 23-anyos na si George ay nasa huling taon ng kan­yang kontrata.

Tumanggap siya ng $2.574 milyon noong 2012 at magiging isang restricted free agent sa susunod na season kung hindi makakasundo ang Pacers.

“The deal is going to get done,” wika ni George. “There will be a deal signed and sealed on the table before the season. We’re on the same page.”

Sinabi ni George na hindi siya hihingi ng mala­king kontrata matapos dalhin ang Pacers sa nakaraang Eas­tern Conference Finals, at tinulak ang Miami Heat sa isang seven-game series.

Ngunit may ilang bagay pang maaaring unahin si team president Larry Bird bago mapanalisa ang kon­trata.

Si Danny Granger ay may natitira pang $14 mil­yong kontrata at magmumula sa isang knee surgery.

Kung magiging malakas siya sa preseason, ang da­ting All-Star ay maaaring humingi ng mas malaking kon­trata.

“We’ve got a way set up where we definitely think we can get something done, but it’s going to have to work for both parties,” ani Bird.

Show comments