Letran muling sasalo sa liderato ng NCAA
MANILA, Philippines - Target ngayon ng Perpetual Help at Letran ang kanilang ika-11 panalo sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa 89th NCAA men’s basketball sa The AreÂna sa San Juan City.
Unang sasalang ang Altas kontra sa talsik ng Mapua sa ganap na alas-4 ng hapon, habang ang Knights ay sasagupa sa Emilio Aguinaldo College sa tampok na laro sa alas-6 ng hapon.
Nasa ikalawang puwesto ang Knights sa 10-2 baÂraha at ang makukuhang panalo ay magreresulta para makabalik sa pagÂsalo sa liderato ang troÂpa ni head coach Caloy GarÂcia sa pahingang San Beda na may 11-2 baraha.
Galing ang Letran sa 70-59 panalo sa Arellano at kailangan nilang maÂpaÂnatili ang tikas dahil ang EAC ay nangangailangan na manalo para manatiÂling palaban sa Final Four.
May 5-7 baraha ang troÂpa ni coach Gerry Esplana at kasalo ang pahiÂngang Jose Rizal University na nasa ikalimang puÂwesto sa team standing.
May apat na panalo sa huling anim na laro ang Generals at kahit galing sila sa 64-71 pagkatalo sa kamay ng Red Lions sa huling laro ay hindi maisasantabi ang kakayahan ng koponan na makapanggulat lalo na kung maÂlamya ang ipakikitang laro ng Knights.
Nanalo naman ang AlÂtas sa CarÂdinals sa unang taÂÂgisan, 73-68, at may two-game winning streak din na haharap sa labaÂnan.
- Latest