MANILA, Philippines - Sumandal ang Philippine National Police sa maÂlakas na panimula para iuwi ang 25-16, 25-14, 17-25, 25-21 panalo laban sa Philippine Navy at kumÂpletuhin ang anim na koponan na maglalaro sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference quarterfinals na sisimulan sa Linggo.
Mainit sina Frances MoÂlina at Thai import SangÂmuang Patcharee na kumawala ng 18 at 16 kills para katampukan ang paÂnalo sa larong ginawa kaÂgabi sa The Arena sa San Juan City.
Ang pagsisikap nina MoÂlina at Patcharee na may 23 at 20 hits ay hinÂdi natapatan ng Navy Sailors para agad na maiwan sa 0-2 at tuluyang mamaalam sa liga.
Ang ikalawang panalo sa pitong laro ng PNP ang kaÂnilang tiket sa quarterfinals.
Si Michelle Laborte ay mayg 19 puntos pero si Chris Rosale lamang ang isang manlalaro ng Navy na nasa double-digits sa 10 puntos.
Hindi nakatikim ng isang panalo ang Lady TaÂmaraws at ang huling koÂponan na nagpatumba sa kanila ay ang Army, 25-15, 25-17, 24-26, 25-20, sa unang laro.
Ito ang ikaanim na paÂnalo sa pitong laro ng ArÂmy para malagay sa ikaÂlawang puwesto.