^

PM Sports

Duremdes bagong coach ng Falcons

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hinirang ng Acamson University si alumni at da­ting PBA superstar Kenneth Duremdes bilang bagong head coach kapalit ni Leo Austria.

Ito ang inihayag kahapon ni team manager Gilbert Cruz sa kanilang pagpili sa dating PBA Most Valuable Player.

Matapos ang kampanya ng Falcons sa kasaluku­yang 76th UAAP men’s basketball tournament ay nag­desisyon si Austria na huwag nang pumirma ng ba­gong kontrata.

Si Duremdes ay naglaro para sa Falcons noong 1990s kasabay ni dating PBA Rookie of the Year Marlou Aquino, Giovanni Pineda at seven-footer Edward Jo­seph Feihl.

Ang naturang grupo ang nagdala sa Falcons sa UAAP Finals noong 1992 kung saan sila winalis ng FEU Tamaraws nina Johnny Abarrientos at Vic Pablo sa kanilang best-of-three series.

Bukod kay Aquino, makakasama ni Duremdes sa kanyang coaching staff sa Falcons si Vince Hizon.

Ang tubong Marbel, South Cotabato na si Duremdes ay hinirang na PBA MVP noong 1998 habang nag­­­lalaro para sa Alaska at nakasama sa 25 Grea­­test Pla­yers ng pro league.

ACAMSON UNIVERSITY

DUREMDES

EDWARD JO

GILBERT CRUZ

GIOVANNI PINEDA

JOHNNY ABARRIENTOS

KENNETH DUREMDES

LEO AUSTRIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with