Mixers tinalo ang Bolts para sa ‘Twice-to-beat’

MANILA, Philippines -  Sina import Marqus Blakely at PJ Simon ang nag­dala ng laban, ngunit si Mark Barroca ang ku­mo­nekta ng huling apat na puntos ng Mixers.

Dumiretso ang San Mig Coffee sa pang-li­mang sunod na ratsada ma­­tapos gibain ang Me­ralco, 88-87, at kunin ang ika­lawang ‘twice-to-beat’ in­centive sa quarterfinal round ng 2013 PBA Go­vernor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Top Four teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals laban sa apat na koponang nasa lower bracket.

Itinala ng San Mig Cof­fee ang isang 10-point lead, 34-24, sa first period ba­go napasakamay ng Me­ralco ang unahan sa 60-52 mula nina import Mario West at Cliff Hodge patungo sa 70-64 abante sa third quarter.

Ito ay hindi nagustuhan ni head coach Tim Cone.

“We got off to such a good start that we started to take the game for gran­ted. We relaxed a bit carried over into the second quarter,” ani Cone.

Isang 18-6 bomba ang inihulog nina import Marqus Blakely, PJ Simon at James Yap para ibigay sa Mixers ang 82-76 kala­ma­ngan sa huling tatlong minuto sa final canto.

Muling nakadikit ang Bolts sa 81-84 galing sa da­lawang free throws ni West.

Matapos ang basket ni Barroca para sa 86-81 abante ng San Mig Coffee sa 1:08 minuto, tu­mi­pa naman si Sunday Sal­vacion ng isang three-point shot para idikit ang Meralco sa 84-86.

Nagkaroon ng turnover ang Mixers sa na­titirang 35.2 segundo na nagbigay ng pagkakataon sa Bolts na makatabla.

Subalit sumablay ang tangkang tres ni Salvacion at nakuha ni Hodge ang bo­la para sa isang jumpball.

Nakuha ni Barroca ang bola at tumipa para sa 88-84 iskor ng San Mig Coffee sa huling 10 segundo.

Nagsalpak si guard Mike Cor­­tez ng isang tres pa­ra sa huling puntos ng Me­­ralco.

“This Meralco team is a very good team. They’re playing extremely well with Hodge, (Reynel) Hugnatan, (John) Wilson. They’re a complete team and we’re lucky to be able to get through them.”

Umiskor si Blakely ng 24 points para banderahan ang Mixers kasunod ang 20 ni Simon at tig-8 nina Yap at Alex Mallari.

 

Show comments