Kings, Batang Pier target ang quarterfinals seat Mixers asam ang no. 2

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Mixers na sunggaban ang No. 2 seat, habang mag-aagawan naman para sa automatic quar­terfinals berth ang Gin Kings at ang Batang Pier.

Sumasakay sa isang four-game winning streak, sa­sagupain ng San Mig Cof­fee ang Meralco nga­yong alas-5:15 ng hapon ka­sunod ang bakbakan ng Barangay Ginebra at Glo­balport sa alas-7:30 ng ga­bi sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Ang Petron Blaze, na­sa isang eight-game winning run, ang kumuha sa No. 1 spot sa Magic Four at magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ka­gaya ng mga uupo sa No. 2, 3 at 4 sa quarterfinals.

“The second seed would be a nice position to nestle into, especially af­ter our poor start to this con­ference. But Meralco is in the same boat and they’re playing as well as anyone outside of Pet­ron,” sabi ni head coach Tim Cone sa kanyang Mi­xers.

Ang huling tinalo ng San Mig Coffee ay ang Barako Bull, 81-77, no­ong Setyembre 14.

Umiskor naman ang Me­ralco ng isang 100-91 ta­gumpay laban sa Air21 no­ong Setyembre 15.

Sa ikalawang laro, ta­tar­­getin ng Gin Kings ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Ba­tang Pier.

Kung mananalo ang Gi­nebra kontra sa Globalport at sa Talk ‘N Text ay ma­kakakuha sila ng playoff para sa No. 4 berth sa Top Four.

“Basta kami one game at a time lang kami. But we’re hoping to win our last two games,” sabi ni guard Mark Caguioa sa Gin Kings, nagmula sa dra­matikong 101-100 pag­lusot sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto Pain­ters noong nakaraang Sa­bado.

Nagmula naman ang Ba­tang Pier sa 90-101 pag­katalo sa Boosters no­ong Linggo.

Sina Caguioa, import Dior Lowhorn, LA Tenorio at Mac Ba­racael, ang tu­mipa ng tat­long free throws sa na­titirang 0.3 se­gundo sa pa­nalo kontra sa Elasto Pain­ters, ang muling aasahan ng Gin Kings katapat sina Mar­keith Cummings, Gary Da­­vid, Sol Mercado at Jay Wa­­shington ng Batang Pier.

 

Show comments