MANILA, Philippines - Naipakita rin ng kabayong My Name Jon ang baÂngis nito nang manalo sa three-year old race noong MarÂtes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, CaÂvite.
Si Jonathan Hernandez ang hinete ng kabayo na agad na kinuha ang unahan sa nasabing 1,300-metro distansyang karera at walang lingun-lingon na iniwan ang apat na kalaban para sa magarang panalo.
Naghabol kaagad ang Wow Jazziee sa pagdadala ni Esteban de Vera at third choice sa karera, ngunit hinÂdi nanatili ang malakas na ayre ng My Name Jon na seÂcond choice sa bentahan.
Sa huling kurbada ay unti-unting bumitaw ang Wow Jazziee, habang ang naunang nangulelat na top choice na Connor Topnotcher ay naging malakas ang daÂting.
Pero pinatulin pa ni Hernandez ang sinakyang kaÂbayo patungo sa banderang tapos na panalo at iwanan ng halos apat na dipa ang Connor Topnotcher na dinisÂkartehan ni JB Bacaycay.
Dikit ang mga benta ng nagsilahok at ang win ay nagÂkakahalaga pa ng P37.50, habang nasa P31.50 ang ibinigay sa 3-2 forecast.
Ang long shot sa pitong karerang pinaglabanan na ginawa sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang Fine Bluff sa pagdadala ni AR Villegas.
Isa ring 3YO Handicap race ang tagisan at nakabuti ang hindi pagbitiw ng Fine Bluff sa kapit sa balya para maisantabi ang hamon ng top choice na Northlander na hawak ni JA Guce.
Mula simula ay magkasama nang umalagwa ang daÂlawang kabayo at sa rekta ay magkapantay na ang Fine Bluff at Northlander.
Sa puntong ito, gumamit na ng mga latigo ang mga hiÂnete ng kabayo ngunit ang maayos na tumugon ay ang Fine Bluff para mapanatili ang kalahating dipang agÂwat sa meta.
Ang three year old filly na may lahing Ultimate Goal at Cleave Bill ay naghatid ng P41.50 sa win para lumabas bilang pinakadehado sa mga nanalo sa ikalawang sunod na araw na ang karera ay ginawa sa San LaÂzaro.
Ang 4-6 forecast ay naghatid ng P153.00 dibidendo.
Lumabas naman bilang pinakamahusay na hinete ay si Jeff Zarate na naghatid ng dalawang panalo sa pitong karerang pinaglabanan.
Ang unang kuminang sa pagdadala ng class A jockey ay ang Allbymyself sa 3YO and Above MaiÂden Race at tinalo ng tambalan ang Café Rodolfo ni JB Guce, habang ang ikalawang kabayo na namayani ay ang Amberdini sa isa ring 3YO Special Handicap Race laban sa Rabble Rouser ni Villegas.
Pinakaliyamadong nanalo ang Allbymyself na kiÂnumbra ang unang opisyal na panalo sa horse racing nang magpasok ito ng P9.00 sa win at ang 1-5 forecast ay mayroong P36.50 dibidendo.
Ang Amberdini ay naghatid ng P20.50 sa win at P25.50 sa 2-4 forecast.