MANILA, Philippines - Nakatakdang ihayag ngayon ang rematch nina daÂting unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr at Vic Darchinyan ng Armenia.
Maglalaban sina Donaire (31-2-0, 20 KOs) at DarÂchinyan (39-5-1, 28 KOs) sa isang 10-round, non-title featherweight fight sa Nobyembre 9 sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Pinabagsak ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa huli ang mga suot nitong International BoÂxing Federation at International Boxing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.
Nagmula ang tubong Talibon, Bohol sa isang unaÂnimous decision loss kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa kanilang unification super bantamweight bout noÂong Abril 13 sa New York City.
Bago matalo kay Rigondeaux ay binigo muna ni DoÂnaire noong 2012 sina Wilfredo, Vasquez, Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce para hiÂrangin bilang 2012 Boxer of the Year.