MANILA, Philippines - Tinalo ng Adamson University ang Ateneo, 59-50, para masikwat ang ikaapat at huling tiket sa Final Four kasabay ng pagpapatalsik sa Far Eastern University sa 76th UAAP women’s basketball competition kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Inupuan ng National University at ng De La Salle University ang No. 1 at No. 2 slot sa Final Four mula sa magkatulad nilang 12-2 record kasunod ang UniverÂsity of Santo Tomas at Adamson University na may magkaparehong 8-6 cards.
Makakatapat ng Lady Bulldogs ang No. 4 Lady FalÂcons, habang makakaharap ng No. 2 Lady Archers ang No. 3 Tigresses sa Final Four na magsisimula sa Linggo.
Nagtala si Joy Cochico ng 13 points at 8 assists paÂra banderahan ang Adamson.
Tinalo naman ng Lady Archers ang University of the East Lady Warriors, 82-58.
Naglista ang Lady Tams ng 12-2 marka ngunit buÂmaba sa 7-7 matapos bawiin ang kanilang limang paÂnalo dahil sa paglalaro ni team captain Vangie SoriaÂno sa isang commercial league kasabay ng UAAP season.