Para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four Tigers sinibak ang Ateneo Blue Eagles

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang li­mang sunod na taong pa­mamayagpag ng Blue Eagles sa UAAP men’s bas­ketball tournament.

Humugot si Jeric Teng ng pito sa kanyang 19 points sa final canto, habang nagsalpak si Clark Bau­tista ng dalawang three-point shots para igiya ang Uni­ver­sity of Sto. To­mas sa 82-74 paggupo sa five-time champions Ate­neo De Manila Uni­ver­sity at ang­kinin ang ika­apat at hu­ling silya sa Fi­nal Four ng 76th UAAP season ka­gabi sa Smart Ara­neta Co­liseum.

“Ma­bigat kalaban ang Ate­neo. Defending champion ‘yan. Five years nag-champion ‘yan eh, kaya medyo mahirap talunin ng ganun-ganun na lang,” ani UST coach Pido Ja­rencio matapos ang laro.

Makakasagupa ng No. 4 Tigers ang No. 1 Na­tional University Bulldogs sa Final Four, habang pag-aagawan ng Far Eastern University Tamaraws at La Salle Green Ar­chers sa Sabado ang No. 2 berth.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage la­ban sa No. 4 at No. 3 squads sa Final Four.

Pinangunahan ni import Karim Abdul ang pa­nalo ng Tigers mula sa kan­yang game-high na 25 markers, ang 19 dito ay kan­yang iniskor sa first half kung saan naiwa­nan ang Blue Eagles, 39-26.

Ipinoste ng UST ang isang 18-point lead, 37-19, sa 2:02 ng second period mula sa isang jumper ni Teng.

Sa likod nina Kiefer Ra­vena, Chris Newsome at Ryan Buenafe ay na­agaw ng Ateneo, natapos ang 14 sunod na Final Four appearance, ang ka­­la­­mangan sa 43-42 sa 3:26 ng third quarter.

Binuksan ng Tigers ang final canto mula sa isang 13-2 atake, tampok di­to ang dalawang tres ni Bau­tista at isa ni Teng, pa­ra kunin ang isang 12-point advantage sa 65-53 sa 7:02 nito.

Huling nakalapit ang Blue Eagles sa 74-77 sa na­titirang 29 segundo.

Nagsalpak si Teng ng apat na sunod na free throws sa huling 27 at 19 segundo para muling ila­yo ang UST sa 81-74.

Sa unang laro, tinalo ng sibak nang University of the East Red Warriors ang University of the Philippines Fighting Maroons, 76-73.

UST 82 - Abdul 25, Teng 17, Daquioag 13, Ferrer 10, Mariano 7, Bautista 6, She­riff 4, Pe 0, Lo 0, Lao 0.

Ateneo 74 - Ravena 20, Newsome 3, Elorde 12, Bue­nafe 9, Pessumal 8, Golla 4, Erram 4, Tolentino 2, Tiongson 2, Capacio 0.

Quarterscores: 25-14, 39-26, 52-5, 82-74.

Show comments