Jaiho hindi napigilan ng mga kalaban para sa panalo

MANILA, Philippines - Hindi napigil ang ma­lakas na pagdating ng kaba­yong Jaiho para ma­kapanggulat noong Lunes ng gabi sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Cavite.

Isang special class division ang pinaglabanang ka­rera sa 1,300-metro dis­tansya at ang Jaiho ay si­nakyan ng class D jockey AC De Guzman.

Nalagay sa malayong pang-apat na puwesto sa li­­mang kalahok ang tam­ba­lan sa alisan, habang ang dehadong Immaculate ang nagdikta sa laban ka­sunod ng Shoemaker at napaborang Hot.

Sa huling kurbada ay nagsimula ng bumulusok ang Jaiho at nalagay na sa ikatlong puwesto sa pag­pa­sok ng rekta.

Hindi pa ubos at may bitbit pang lakas ang nasa­bing kabayo para abutan sa meta ang Immaculate na sa­kay ng apprentice jockey JL Paano at binigyan ng pi­nakamagaang na 49 kilos handicap weight.

Tinapos ng panalong ito ng Jaiho ang dalawang su­nod na pangatlong puwestong pagtatapos ang ka­­bayo at ang pumangala­wa ay hindi napaboran pa­­ra mag­hatid ng saya sa mga dehadista.

May P58.50 ang ibini­gay sa win ng Jaiho, ha­bang ang 2-5 forecast ay nagpasok ng P487.00 di­bidendo.

Isa pang nagpasigla sa mga long shot ay ang Uni­ca Champ sa class division 1C race.

Tinantiya-tantiya lamang ng kabayong hawak ni Val Dilema ang ha­mon ng ibang katunggali bago lu­mayo sa huling 100-metro tungo sa pana­lo sa 1,300-metro distansyang karera.

Huling nanalo ang Un­ica Champ noon pang Mar­so bago ipinahinga sa su­munod na limang buwan.

Pero hindi nagbago ang tikas ng kabayo at na­nalo sa Mikes Treasure na hawak ng apprentice joc­key JD Flo­res.

Umabot sa P58.50 ang ibinigay sa win, habang ang 3-7 forecast ay may magandang P696.50 dibidendo.

Show comments